TUMATAAS NA BILANG NG NAMAMATAY NA BABOY SA BANSA, IKINABABAHALA NG ILANG MGA HOG GROWERS SA BICOL!

Agosto 22, 2019, Daet, Camarines Norte – Ikinababahala ng ilang hog growers sa Bicol ang mataas na bilang ng namamatay na mga baboy sa ilang lugar sa bansa. Ito ay matapos lumabas ang balita sa telebisyon ukol sa pagkamatay ng mga baboy na sanhi umano ng African Swine Flu o ASF.

Pahayag ni Department of Agriculture Region V Spokesperson Emily Bordado sa panayam ng isang radio station, bilang tugon sa problema ay kinausap na umano nila ang mga hog growers at nagpaalala ng mga ilang hakbangin para maiiwas ang mga alagang baboy at mga paraan para magamot ang naturang sakit.

Bagamat hindi direktang makakahawa sa mga tao ang naturang flu, nakababahala ito dahil maari aniyang bumaba ang supply ng karneng baboy sa merkado. Nagkasa na rin umano sila ng mga checkpoints para sa mga pumapasok na karneng baboy sa rehiyon upang matiyak  na hindi ito galing sa mga lugar na may kaso ng napabalitang pagkamatay ng mga baboy.

Sa ngayon ay kinukumpirma na kung ASF nga ang sanhi ng pagkamatay ng ilan pang mga baboy sa bansa.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *