LALAKI PATAY MATAPOS MAHULOG SA ABANDONADONG MINING PIT SA BAYAN NG LABO!

Agosto 27, 2019, Labo, Camarines Norte โ€“ Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos itong mahulog sa isang abandonadong mining pit sa Sitio Tabing Ilog, Purok 6, Brgy. Dalas, Labo, Camarines Norte.

Base sa tala ng Labo Municipal Police Station, dakong alas kwatro (4:00) ng madaling araw kahapon, Agosto 26, 2019 nang ipaabot ni Roel ElosonBarangay Kagawad sa nasambit na lugar ang impormasyon ukol sa residenteng nahulog umano sa isang mining pit sa lugar.

Kinilala ang biktimang si Christian Mapusao y Ciballo, 29 anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, dakong 7:00 ng kagabi nitong nakatalikod na Linggo, Agosto 25, 2019 nang mahulog sa balon ang biktima habang nag aayos ng electric motor pump kasama ang dalawa pang katao.

Aksidente umanong nadulas ang biktima hanggang sa tuluyan itong mahulog. Sinubukan pa umano itong i-rescue ng isang kasamahan subalit nabigo ang huli dahil hindi nito matagalan ang lason na nagmumula sa balon.

Samantala, narekober na rin ang bangkay ng biktima dakong 2:00 kahapon ng madaling araw.

Nagsasagawa na ng follopup investigation ang Labo PNP at sumailalim na rin sa post mortem examination ang bangkay ng biktima.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.