SUNOG SUMIKLAB SA BODEGA NG ISANG APPLIANCE CENTER SA BAYAN NG DAET!

Agosto 27, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“ Sumiklab ang apoy sa bodega ng isang appliance center sa J. Lukban St., Purok 1, Brgy. IV bayan ng Daet kaninang madaling araw.

Base sa panayam ng Cool Radio News Fm kay Daet Municipal Fire Marshall Insp. Adonis Osea, sinabi nito na dakong 3:00 kaninang madaling nang ireport ng caretaker ng bodega na si Patrick John Quintillan ang sunog sa nasambit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag alamang dakong 2:00 nang sumiklab ang apoy sa bodega ng Willy and Sons Appliance Center na pag aari ni Yolanda Dyloco, residente ng nasambit na lugar.

Agad namang rumisponde ang mga personel ng Daet Central Fire Station sa lugar subalit mabilis nang kumalat ang apoy hanggang sa karatig na establisyemento. Bunsod nito, sumaklolo na rin ang mga fire trucks mula sa mga karatig na munisipalidad.

Dakong 6:20 ng umaga nang ideklarang fire out ang naturang sunog.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang kinauukulan ukol sa tunay na sanhi ng sunog gayundin ang halaga ng pinsalang natamo mula sa insidente.

Camarines Norte News

Photo courtesy of Jay Knee Fear and Jometh Umali

Leave a Reply

Your email address will not be published.