BINATA SUGATAN SA PANANAGA SA BAYAN NG BASUD!

Agosto 28, 2019, Basud, Camarines Norte – Nagtamo ng mga sugat mula sa pananaga ng kapwa magsasaka ang isang binata sa Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang bitimang si Adrian Efa y Senobio, 20 anyos, magsasaka at residente ng  Purok 3, Brgy. Manmuntay ng naturang bayan.

Base sa tala ng Basud Municipal Police Station, dakong 8:00 kagabi habang nakaupo sa tabing kalsada sa nasambit na lugar ang biktima, nilapitan umano ito ng suspek na si Diosdado Herado y Casipong, 52 anyos, residente ng Purok 6, Brgy. Tawig, Paracale, Camarines Norte.

Kinausap umano ng suspek ang biktima subalit nauwi ito sa mainit na pagtatalo. Dito na inundayan ng taga ng suspek na armado ng bolo ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa kaliwang hita nito.

Pagkatapos ng insidente ay nagtungo ang suspek sa bahay na pansamantalang tinutuluyan nito sa naturang barangay habang agad namang humingi ng tulong ang biktima sa otoridad.

Agad ding naaresto ang suspek ng mga rumispondeng personel ng Basud PNP habang narekober naman ng mga opisyal ng barangay ang bolo na ginamit sa pananaga.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Basud PNP ukol sa insidente habang inihahanda na rin ang kaukulang reklamong isasampa laban sa suspke.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *