INSIDENTE NG PAGNANAKAW SA ISANG DEPARTMENT STORE SA BAYAN NG DAET, NAITALA!

Agosto 28, 2019, Daet, Camarnes Norte โ€“ Nahaharap ngayon sa reklamo ng pagnanakaw ang isang binata matapos itong magnakaw ng mga paninda mula sa isang department store sa bayan ng Daet.

Kinilala ang suspek na si Sam San Rafael y Cruz, 27 anyos, binata at residente ng Brgy. IV ng parehong bayan.

Base sa report ng Daet Municipal Police Station, nagpaabot ng impormasyon ang isang Michael Delos Santos Espina, 25 anyos, Civilian Relation Service (CRS) ng City Square Department Store and Supermarket ukol sa isa umanong insidente ng pagnanakaw sa naturang establisyemento.

Aniya, dakong 5:00 ng hapon kahapon, Agosto 27, 2019 nang pumasok ang suspek sa nasambit na department store at nagtungo sa childrens wear section.

Naging kahina-hinala umano ang kilos nito sa loob at nagmamadali ring lumabas kaya sinundan ito ng naka duty na security guard hanggang makalabas ito ng tindahan.

Positibong nakuha mula sa suspek ang anim (6) na damit pambata na may kabuuang halagang Php 2,300.10 na isiniksik nito sa ilalim ng suot na cycling shorts.

Nasa kustodiya na ng Daet PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.