DRUG SUSPECT PATAY MATAPOS UMANONG MANLABAN SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET!

Agosto 29, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“ Dead on arrival ang isang drug suspect matapos umano itong manlaban sa otoridad.

Ayon sa operatiba, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa Purok 2 Barangay Borabod, bayan ng Daet kaninang 4:15 ng madaling araw kung saan target si Harlito Velasco Y Alba, residente ng Purok Chico, Barangay Gubat na kabilang umano sa drug watchlist ng PNP Camarines Norte.

Habang nakikipagtransksiyon sa poseur buyer ay natunugan umano ni Velasco na pulis ang katransakyon  kaya bumunot ng baril at nauwi ang operasyon sa engkwentro.

Nagtamo ang suspek ng tama ng bala sa dibdib kaya agad itong dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Narekober mula sa katawan ng biktima ang isang holster ng baril at pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang illegal na droga.

Nakuha naman sa lugar ng insidente ang isang 45 calibre na baril at limang mga basyo ng bala .

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Provincial Intelligence Branch sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Benito Dipad Jr. kasama ang Daet PNP at PDEA Camarines Norte.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.