Agosto 29, 2019, Daet, Camarines Norte – Hihigpitan pa ng Provincial Veterinary Office ang pagbabantay sa mga buhay na hayop at mga produkto nito na pumapasok sa lalawigan ng Camarines Norte.
Base sa ibinabang kautusan mula sa tanggapan ni Gobernador Edgardo Tallado, inatasan nito ang nasambit na opisina na magpatupad ng mas istiriktong pagmamanman sa lalawigan bunsod ng mga kaso ng maramihang pagkamatay ng mga baboy sa lalawigan ng Rizal at iba pang lugar sa bansa nitong mga nakalipas na araw.
Kaugnay nito, iniatas ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga animal quarantine checkpoint sa mga lugar na nagsislbing pintuan ng lalawigan partikular na sa bayan ng Sta. Elena at Basud upang manatiling ligtas ang industriya ng kahayupan sa lalawigan.
Camarines Norte News
‘