TAHANAN NG ISANG GURO SA BAYAN NG LABO, NILOOBAN; MGA GADGET AT PERA NATANGAY NG KAWATAN!

Setyembre 2, 2019, Labo, Camarines Norte โ€“ Pinasok ng hindi nakilalang suspek ang tahanan ng isang guro sa Barangay Anahaw, Labo, Camarines Norte at tinangay ang umaabot sa Php 95,000.00 halaga ng gadget at pera.

Kinilala ang biktimang si Selina Dado y Susano, 42 anyos, guro, may asawa at residente ng nasambit ng lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Labo PNP, dakong 10:00 hanggang 12:00 ng madaling araw nitong nakatalikod na araw ng biyernes, Agosto 30, 2019 nang makapasok sa bahay ng biktima ang suspek.

Dumaan umano ito sa hindi nailock na pinto ng ikalawang palapag at nang makapasok ay tinangay na ang mga gadget na kinabibilangan ng itim na Samsung Tab 4, Samsung J7 cellphone, Silver Lenovo ideal PAD 100 at cash na nagkakahalagang Php28,000.00 na nakalagay sa laptop bag.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang kapulisan para sa pagtukoy ng pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek at upang marekober ang mga ninakaw na kagamitan at pera.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.