ENTRAPMENT OPERATION SA BAYAN NG LABO, NAUWI SA ENGKWENTRO; 1 SUSPEK PATAY, 1 NAKATAKAS!

Setyembre 6, 2019, Labo, Camarines Norte – Patay ang isang lalaking suspek habang nakatakas naman ang isa pang kasama nito matapos mauwi sa engkwentro ang entrapment operation na isinagawa ng otoridad sa Purok 1, Barangay Malangcao-Basud, Labo Camarines Norte dakong 5:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang nasawing suspek na si Ruel Ragas y Piano, nasa hustong edad, residente ng #27 Seoul St, BF Homes, Las Piñas City.

Base sa tala ng Labo Municipal Police Station, ikinanasa ng RIDRSOG, 1st and 2nd CNPMFC at ng kanilang himpilan ang isang entrapment operation upang madakip ang nasambit na mga suspek na nahaharap sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Amunition).

Positibog nakuha ng police poseur buyer mula sa mga suspek ang isang kalibre ng .38 revolver na may tatak na Armscor at serial number 124617.

Samantala sa kalagitnaan ng operasyon ay natunugan ng mga suspek na puls ang katransaksiyon nito dahilan para dumukot ang mga ito ng armas at nagpaputok sa kapulisan.

Gumanti naman ng putok ang otoridad kung saan tinamaan ang isa sa mga suspek na agad nitong ikinasawi habang mabilis namang tumakas ang isa pa sakay ng motorsiklo.

Sa pagsisiyasat sa gamit ni Ragas, nakuha ang isang military ID na may pagkakakilanlang Piano P. RichardPhilHealth at Tin ID na may  pagkakakilanlang Ruel Ragas y Piano, isang (1) Caliber .38 na may serial number 16240 na may lamang apat na (4) live ammunitions, dalawang  (2) fired cartridge case ng  cal .38,  dalawang (2) fired cartridge case ng cal. 45, isang sling bag na naglalaman ng isang (1) hand grenade , tatlong (3) piraso ng One Thousand Peso bill na ginamit bilang buy-bust money, isang (1) Fifty Peso Bill, at dalawang (2) unit ng cellphone.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa naganap na insidente habang isinagawa pa din ang hot pursuit operation para tumakas na kasamahan ng suspek.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *