PAGBAGSAK SA KRITIKAL NA LEBEL NG TUBIG SA BORO BORO SPRING, SANHI NG MALAWAKANG KAKULANGAN SA SUPPLY NG TUBIG SA LALAWIGAN AYON SA CNWD/PRIMEWATER!

Setyembre 10, 2019, Labo, Camarines Norte – Bumagsak pa ng mas mababa sa kritikal na lebel ang tubig sa Boro Boro Spring na siyang pinakamalaking pinagkukunan ng tubig sa malaking bahagi ng Camarines Norte.

Sa ginanap na Water Info Exchange ng CNWD/Prime Water kahapon, nagtungo ang mga media personel sa 902nd Infantry Brigade sa Brgy. Tulay na Lupa kung saan naroon ang Boro Boro spring at doon tumambad ang kasalukuyang sitwasyon ng tubig na mas mababa na ngayon kesa sa kritikal na lebel.

Sa kasalukuyan ay nasa 24 cu.cm na lang ang tubig sa nasambit na pasilidad, mas mababa pa kesa sa 30 cu.cm.na itinuturing na critical level.

Ayon kay Engr. Veronica TorresWeather Specialist ng PAGASA Daet, nakaranas ang lalawigan ng tag tuyot mula ng pumasok ang taong 2019. Sa mga unang buwan ay napasailalim aniya ang lalawigan sa dry season habang pagpatak ng buwan ng Mayo ay naranasan ang pinakamatinding tagtuyot o drought.

Binigyang diin din nito na maaaring makaranas ang isang lugar ng El Niño kahit nakararanas ng pag ulan, bagay na nararanasan sa lalawigan ng Camarines Norte. Nilinaw din nito na ang pagdeklara ng tag ulan ay base sa pagdating ng southwest monsoon na mas unang nararanasan sa ibang bahagi ng bansa. Ito ang itinuturo ng CNWD/PrimeWater na sanhi ng pagbaba ng supply ng tubig dahil dito nanggagaling ang pinakamalaking bahagi ng tubig na isinusupply sa mga konsesyunaryo. Base sa datos ay naitala ang pinakamababang spring production ngayong taon bunsod ng kakulangan ng buhos ng ulan

Gayunpaman, patuloy umano ang pamunuan ng CNWD/PrimeWater sa pagkilos upang matugunan ang problemang ito sa pamamagitan ng pag gamit ng mga alternative sources kabilang na ang pag gamit ng surface water mula sa Dagotdotan Filtration Facility, pag gamit ng mga booster pumps at storage tanks gayundin ang pagdevelop ng iba pang karagdagang sources tulad ng springs, deep wells at surface water.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *