3 SUGATAN SA BANGGAAN NG 2 MOTORSIKLO SA BAYAN NG DAET; ISA SA MGA DRIVER, NAKAINOM!

Setyembre 17, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“ Sugatan ang dalawang driver at isang backrider sa aksidenteng naganap sangkot ang dalawang motorsiklo sa intersection na sakop ng Purok 1, Brgy Cobangbang, Daet, Camarines Norte.

Base sa tala ng Daet PNP, dakong 4:55 ng hapon nitong nakatalikod na araw ng Linggo, Setyembre 15, 2019 nang maganap ang insidente kung saan sangkot ang isang Suzuki FJ110 motorcycle na minamaneho ni Mike Jerick Gabotero Y Mangawang, 31 anyos residente ng Happy Homes Fairview P-6 Brgy. Magang ng nasambit na bayan at isang Honda XRM na minamaneho ni Arturo De Leon Jr Y Delos Santos, 52 anyos, residente ng Brgy Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.

Nabatid na habang lumiliko ang Suzuki FJ110 sa naturang intersection patungo sa town proper ng Daet, bigla umanong sumulpot at bumangga sa likuran nito ang Honda XRM dahilan para matumba ang dalawang sasakyan.

Nagtamo ng sugat sa ilang bahagi ng katawan si Gabotero at backride nito habang nagtamo naman ng pasa sa ulo si De Leon.

Agad na dinala sa Panlalawigang Pagamutan ang tatlo para sa karamapatang atensyong medikal. Nagpositibo naman sa alcoholic breath test si De Leon.

Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang mga sasakyang sangkot sa insidente habang tinutukoy ang pinsalang natamo ng mga ito.

Camarines Norte Norte

Leave a Reply

Your email address will not be published.