Setyembre 19, 2019, Daet, Camarines Norte – Mas pinaigting ng Lokal na Pamahlaan ng Daet ang isinasagawang road clearing operations upang maalis ang mga obstructions gaya ng ilegal na mga istruktura, ilegal na pagtitinda at ilegal na nakaparadang mga sasakyan.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Lokal na Pamhalaan ng Daet sa pamamagitan ng Daet Engineering Office at Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) katuwang ang Daet Municipal Police Station.
Alinsunod ito sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na linisin ang mga nakaharang sa right of way ng kalsada.
Magugunitang bago pa ang kautusan ng DILG ay sinimulan ng linisin ng lokal na pamahalaan ang bawat lansangan sa naturang bayan lalung lao na sa paligid ng Daet Public Market.
Nabatid na noon pa man ay iniatas na ni Mayor Benito Ochoa sa mga departamento na mas paigtingin ang kanilang pagsisikap na masiguro ang pedestrian at vehicular mobility gayundin ang access sa mga serbisyo publiko gamit ang mga pampublikong daanan at kaparehong imprastraktura.
Kasabay ng isinasagawang pagbabaklas ay ang mas mahigpit na monitoring ng mga otoridad para masigurong hindi bumalik ang mga binaklas na obstructions.
Camarines Norte News
Photos courtesy of DILG Daet