SENIOR CITIZEN NAKALIGTAS SA TANGKANG PANANAGA NG ISANG LALAKI SA BAYAN NG LABO!

Setyembre 20, 2019, Labo, Camarines Norte โ€“ Maswerteng nakaligtas mula sa tangkang pananaga ang isang 60 anyos na lalaki sa Purok-6, Barangay Macogon, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang biktimang si Rogelio Magdasoc y Narlo, 60 anyos, tubong Albay at pansamantalang naninirahan sa nasambit na lugar.

Base sa tala ng Labo PNP, nagtungo sa kanilang himpilan sina Brgy. Kagawad Roderick Barrios, BPSO Rodel Nime, at BPSO Roberto Armasa upang ipagbigay alam ang insidente ng pananaga na kinasangkutan ng biktima at ng suspek na kinilalang si Agapito Moron y Briz, 39 anyos, residente ng parehong lugar.

Anila, dakong 4:00 ng madaling araw kahapon, Setyembre 19, 2019 nang magtungo ang suspek na armado ng bolo sa tahanan ng kaniyang ama kung saan pansamantalang naninirahan ang biktima.

Sa hindi inaasahan ay ilang beses umanong tinangkang tagain ng suspek ang biktima na maswerte namang nakaiwas dito.

Dahil dito nagsampa na ang biktima ng kasong attempted homicide laban sa suspek na sumailalim na din sa inquest proceeding.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Labo PNP ukol sa nasambit na insidente.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.