2 LALAKI, TIMBOG SA BUY BUST SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Setyembre 23, 2019, Jose Panganiban, Camarines Norte โ€“ Timbog ang dalawang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng otoridad sa Purok 6, Barangay Luklukan Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa, Setyembre 21, 2019.

Base sa tala ng Jose Panganiban PNP, dakong 2:40 ng hapon ng isagawa ang buy bust ng mga personel mula sa Jose Panganiban MPS at PDEA-ROV kung saan naaresto ang mga suspek na sina Jessie Diaz y Nacua, 37 anyos, residente ng  Purok 7, Barangay Luklukan Sur ng nasambit na bayan at  Jesus Posada y Delos Santos, 42 anyos, residente ng Purok 2, Barangay Gumaos bayan ng Paracale matapos magpostibo ang transaksiyon ng mga ito sa police poseur buyer.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang (1) sachet ng hinihinalang shabu (buy-bust drug) at tig isa pang sachet nito mula sa parehong suspek.

Narekober din ang isang Php500.00 bill na ginamit bilang buy bust money.

Tinatayang aabot sa Php12,000.00 ang halaga ng nakuhang droga mula sa mga suspek.

Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang mga nadakip na suspek para sa kaukulang disposisyon habang sasailalim naman sa laboratory examination ang mga nakumpiskang ebisdensiya.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.