Setyembre 26, 2019, Daet, Camarines Norte – Muling nasungkit ng mag aaral mula sa Howard Montessori School (HMS) sa bayan ng Daet ang pinakamataas na parangal para sa Photojournalism (English) sa katatapos lamang na Division Elementary Schools Press Conference (DESPC) 2019 na ginanap sa Tulay na Lupa Elementary School nitong nakatalikod na Setyembre 24-25, taong kasalukuyan.
Umangat ang husay ng mag aaral sa ika limang baitang na si Niña Yzabelle H. Llovit ng HMS sa nsabing larangan dahilan para makuha nito ang unang pwesto laban sa mga nakatunggaling mag aaral mula sa ibat ibang paaralan sa buong probinsiya.
Nabatid na hinirang ding kampeon ang nasambit na mag aaral sa parehong kompetisyon (Photojournalism) sa ginanap na DESPC nitong nakatalikod na taong 2018 sa ilalim ng patnubay at pagsasanay ng coach at guro sa HMS na si Ginoong Ethan Ferr Galvan.
Si Niña ay panganay na anak nina Daet Municipal Councilor Ma. Eliza H. Llovit at Cool Radio Station Manager Rodel M. Llovit.
Samantala, wagi rin ang isa pang mag aaral ng HMS na si Joelle Mariez Cadiz na nakuha ang ikatlong puwesto sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan.
Muling haharap ang dalawa sa Regional Schools Press Conference ( RSPC) na nakatakda sa darating na Nobyembre sa siyudad ng Legazpi.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring sumasailalim ang dalawa sa pagsasanay para sa nasabing kumpetisyon.
Camarines Norte News