ORDINANSA NA NAGTATAKDA NG ALITUNTUNIN PARA SA PAG IISYU NG MEDICAL CERTIFICATE NG MGA LTO ACCREDITED RHU AT PHYSICIANS SA BAYAN NG DAET, APRUBADO NA!

Setyembre 23, 2019, Daet, Camarines Norte – Tuluyan nang napagtibay sa ikalawa at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ng Daet ngayong araw ang ordinansa na nagtatakda ng mga alituntunin para sa pag iisyu ng mga medical certificates ng mga LTO Accredited Rural Health Clinics at mga Physicians nito sa bayan ng Daet para sa mga kumukuha ng student driver permit at driver/conductor’s permit sa Land Transportation Office (LTO)na inakda ni Konsehal Ma. Eliza H. Llovit.

Magugunitang Enero ng taong kasalukuyan ng magbaba ang LTO ng kautusan na tatanggap na lamang ang kanilang mga opisina ng medical certificates na direktang ipadadala online ng kanilang mga accredited na clinic at mga doktor. Requirement ang nasambit na sertipiko para sa pag aapply ng driver/conductor’s permit maging sa renewal ng mga ito.

Naglalayon itong matigil na ang sistema ng pagpapasa ng mga pekeng medical certificates mula sa mga pribado at unaaccredited na klinika.

Nabatid na nauna ng isinusulong ng konsehala ang accreditation ng mga RHU sa bayan ng Daet upang dito na magtungo ang mga kababayan para sa kanilang medical certificate na inaasahang mas mura kesa sa mga pribadong klinika.

Sa naturang ordinansa, nakasaad ang mga serbisyong pwedeng ma avail ng mga mag aapply tulad ng medical, physical, optical, psychological at iba pang kaugnay na eksamninasyon base sa standards na itinakda ng LTO gayundin ang blood typing.

Nakasaad din ang halagang ipapataw sa pagkuha ng nasambit na sertipiko  para sa pag gamit ng pasilidad ng LGU, mga instrumento at supply gayundin sa serbisyo ng LTO IT Service Provider at medical specialist/personnel.

Samantala, ang ilang bahagi nito ay mapupunta naman sa general fund ng LGU na gagamitin naman para sa mga pagawaing bayan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *