Oktubre 1, 2019, Daet, Camarines Norte – Pasado na sa Sangguninag Bayan ng Basud ang Ordinance No. 188- 2019 oang “Responsible Drinking Ordinance” na nagbabawal sa mga residente na uminom ng alak saan mang pampublikong lugar sa nasambit na bayan.
Sa ilalim ng naturang ordinansa, ipinagbabawal ang pag- inom sa mga pampublikong lugar tulad ng mga parke, plaza, sea wall, river bank, multi- purpose hall, government offices, covered court, sementaryo, public market, terminal, boulevard, provincial, municipal at barangay roads, kalye, sidewalk, eskinita, passageway at mga kahalintulad na lugar
Kasama rin sa mga lugar na ipinagbabawal ang pag- inom ay sa mga open private vacant lots, harapan ng mga tindahan at nakaparadang sasakyan kung saan may “direct sight” ang publiko sa mga tao o sa grupong nag- iinuman.
Samantala, maaari namang kumuha ng exemption kapag may espesyal na okasyon tulad ng Christmas party, Valentines Party, Reunion, kasalan, birthday, lamay at pista. Kailangan lamang kumuha ng special permit mula sa barangay na nakakasakop o sa munisipyo.
Ang mga indibidwal na lalabag sa naturang ordinansa ay magmumulta ng mula P500 o apat na oras ng community service hanggang P2, 500 o walong oras na community service habang ang mga business entity naman na lalabag ay papatawan ng multang mula P1,000 hanggang sa kanselasyon ng business permit.
Inatasan namang magpatupad ng nasambit na ordinansa ang Basud Public Safety and Traffic Management Unit, Basud PNP, Punong Barangay at Barangay Officials gayundin ang mga Barangay Public Safety Officers.
Camarines Norte News