SUNOG SUMIKLAB SA ISANG ABANDONADONG BAHAY SA BAYAN NG DAET!

Oktubre 1, 2019, Daet, Camarines Norte – Sumiklab ang sunog sa isang luma at abandonadong bahay sa Purok 6, Brgy. III, Daet, Camarines Norte, malapit sa Mabulao Creek.

Base sa pakikipag ugnayan ng Camarines Norte News sa mga kalapit na residente, dakong 9:30 umano ng umaga ngayong araw ng makaamoy sila ng usok sa lugar at sa kanilang pagsisiyasat ay natuklasang nagsisimula nang lamunin ng apoy ang abandonadong bahay na nasa loob ng isang compound sa nasambit na lugar na pag aari umano ng isang Abel Echano.

Mabilis namang rumisponde ang mga fire trucks at personel ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Daet Fire Station at inapula ang apoy na halos nilamon na ang buong bahay.

Dakong 10:15 ng umaga ng ideklarang fire out ang sunog.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.