70% COMPLIANCE RATING SA ROAD CLEARING, NAKUHA NG BAYAN NG MERCEDES!

Oktubre 4, 2019, Mercedes Camarines Norte – Nakakuha ng 70% na compliance rating ang LGU Mercedes sa katatapos lamang na assessment at validation ng DILG.

Base sa panayam ng Cool radio News Fm kay PMaj Joselito Bermas, Hepe ng Mercedes PNP, ang nasambit na rating ang ibinigay ng DILG Jose Panganiban at iba pang ahensiya na nagsagawa ng assessment at validation sa road clearing operations na ginawa ng LGU Mercedes sa kanilang bayan.

Ayon sa opisyal, may ilang personalidad sa nasabing bayan ang nagmamatigas pa rin subalit nanindigan ito na wala silang sasantuhin sa pagpapatupad nito.

Aniya kahit gagawin ang pagbabaklas kahit na politiko pa man ang pumipigil dito. Wala naman aniyang magagawa ang kahit na sino upang pigilan ito dahil nakasaad ito sa konstitusyon.

Kahit idaan pa aniya sa legal na usapin ang pagharang dito, siguradong ididismiss lamang ito ng korte dahil malinaw na nakasaad sa batas ang rights of eminent domain ng gobyerno.

Kung kinakailangan aniya ay pwersahan na itong babaklasin ng DPWH kasama ang composite team na kinabibilangan din ng PNP.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *