BAYAN NG DAET LABO AT PARACALE, NAKAPAGTALA NG MATAAS NA COMPLIANCE RATING SA INIATAS NA ROAD CLEARING NG DILG!

Oktubre 4, 2019, Daet, Camarines Norte – Mataas ang nakuhang compliance rating ng ilang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte sa ipinatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na Memorandum Circular (MC) 2019-121.

Base sa LGU Compliance Consolidation Report ng DILG,  nakakuha ng mataas na compliance rate ang bayan ng Daet, Labo at Paracale.

Sa nasabing report, 85% ang na-clear na public road ng bayan ng Daet at Labo habang nakakuha naman ng 80 % na compliance rate ang bayan ng Paracale.

Nabatid na ang layunin ng MC 2019-121 bilang tugon sa utos ng Pangulo na ibalik para magamit ng mamamayan ang lahat ng pampublikong kalsada at bangketa na ginamit na sa pribadong pamamaraan.

Samantala, kahit tapos na ang ibinigay na 60 days ultimatum ng DILG, nagpapatuloy pa rin ang pagtalima ng mga Lokal na Pamahalaan sa natrang kautusan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *