
Nasa larawan: John Llanera (Nagrereklamo ng pambubugbog)
Oktubre 8, 2019, Daet, Camarines Norte – Pinaninindigan ngayon ni John Dei Llanera na kanyang isusulong ang pagsasampa ng kaukulang kaso o reklamo sa naganap na pambubugbog sa kaniya ni Konsehal Randy “Rey Porter” Abante ng bayan ng Talisay.
Nangyari ang insidente ng pananakit ng konsehal nito lamang nakatalikod na Oktubre 5, 2019 sa ginaganap na Barangay Night sa Talisay Quadrangle na bahagi ng kappiyestahan ng nasabing bayan.
Sa panayam ng Cool Radio News FMkaninang umaga, sa palatuntunang Dyaryo sa Cool Radio sa biktima, sinabi nito na hindi nito palalampasin ang pananakit ng nasabing opisyal sa kanya.
Ngayon araw nakatakda na silang mag usap ng kaniyang legal counsel para sa isasampang kaso laban kay Abante. Inaasikaso niya na rin umano ang mga kaukulang dokumento na susuporta para sa nasabing asunto.
Kaugnay nito, mariin ding pinabulaanan ni Llanera ang ilang bahagi ng kwento ng kampo ni Abante kung saan inaakusahan umano sila ng paninira sa ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Talisay kasama si Abante gamit ang social media.
Nilinaw nito na wala siyang kinalaman sa naturang akusasyon at hindi rin siya nakapagbigay ng hindi magandang komento sa social media tungkol sa SB.
Sa pahayag ni Llanera, bago maganap ang pambubugbog ay nasa may bahagi sia ng entablado noon at nanunuod ng sayawan kasama ang dalawa pang kaibigang babae. Ilang sandal pa, lumapit umano sa kanila ang konsehal na bumati pa at nakipagkwentuhan sa kanila.
Sa gitna ng paguusap, binabanggit na umano ni konsehal Abante ang issue tungkol sa paninira umano nila sa social media sa ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Talisay.
Niyaya pa umano silang uminom ng konsehal subalit tumanggi sila dahil batid nilang marami ng naimon si Abante.
Ilang saglit pa, muli umano sila nitong iniwan dahil sinabi nito na nawawala ang wallet at hahanapin muna.
Kwento pa ni Lannera, lumipat na sila ng puwesto at naupo sa isang gazebo kung saan muling lumapit si Abante at nakisali muli sa kanilang pag uusap. Taliwas ito sa unang sinabi ni Abante sa kaniyang Facebook post na tinawag siya ng grupo.
Muli umano nitong binuksan ang mga issue na ipinupukol sa kanila ngunit nanahimik lamang umano sila at hinayaan nila itong magsalita subalit dumating sa punto na sinabihan na siya ni Abante na makitid ang utak at ng tanungin nya kung bakit siya nito sinasabihan ng makitid ang utak ay binantaan na umano siya nito na manahimik na dahil tatamaan na.
Lumipas ang ilang sandali pa, bigla na lamang umano siyang sinapak ni Abante na ikinagulat niya at ng kanyang mga kasamsahan.
Sa pagkakataong iyon ay tumayo na lamang umano siya at sinabihan si Abante na hindi siya gaganti subalit hindi nito palalampasin ang ginawa sa kaniya.
“Pwes, ngayon pa lang ay bubugbugin na kita”. Pagkatapos ng pahayag na ito ay sumugod na umano ito at pinagsusuntok siyang muli na wala namang nagawa kundi takpan ang kaniyang mukha kaya ang kaniyang ulo at mga braso ang sumalo ng mga suntok ng kosehal.
Nagawa naman umanong awatin ng mga kasamsahan si Abante habang inilayo na siya ng mga kasamahan at wala ng nagawa kundi umiyak at humingi ng saklolo sa kaniyang mga kasamahan sa Kabalikat Civicom.
Samantala, matapos ang insidente ay dinala umano siya sa himpilan ng pulisya kung saan kinunan siya ng pahayag ukol sa nangyari at pinayuhang kumuha ng medico-legal na kaniya ng inasikaso.
Totoo naman aniya ang pahayag ni Abante na nagkausap sila sa harap ni Mayor subalit mariin nitong pinabulaan ang sinabi ni Abante na nanghingi siya ng Php20,000 na kabayaran bilang danyos dahil ibang areglo umano ang nais niya.
Aniya, nais niya na mabigyan ng aral at aksyon ng tamang sangay ng gobyerno ang nangyaring pananakit ng opisyal dahil posible pa umano itong maulit pa.
Hindi rin umano siya papayag na maaabuso ng isang opisyal ng bayan ang katulad niyang simpleng tao lamang na namumuhay ng matiwasay sa kanilang bayan.
Ngayong araw, inaasahang maisasampa na ang kasong administratibo at kriminal laban kay Konsehal Randy Abante na sa ngayon ay nasa ikatlong termino na bilang konsehal sa bayan ng Talisay.
Camarines Norte News
Photo courtesy of Aris Alexopoulos