BAYAN NG SAN VICENTE, IDINEKLARA BILANG KAUNA-UNAHANG DRUG CLEARED MUNICIPALITY SA BICOL REGION!

Oktubre 14, 2019, San Vicente, Camarines Norte – Idineklara na ng PDEA Region V bilang Drug Cleared Municipality ang bayan ng San Vicente sa Lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang kauna unahang munisipalidad sa buong rehiyong Bicol na naging drug cleared mula ng magsimula ang malawakang kampanya kontra droga ng administrasyon.

Sa panayam ng Cool Radio News Fm kaninang umaga kay PCapt. Renato Seguban, Acting Chief of Police ng San Vicente PNP, malugod nitong ibinalita na 100 porsiyento na o lahat ng barangay sa naturang bayan ay nalinis na mula sa ilegal na droga.

Aniya, dumaan sa masusing pagsusuri at mahabang proseso ang drug clearing sa nasabing munisipalidad kung saan naging katuwang nila ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Francis Ong.

Malaking papel din aniya ang ginampanan ng mga opisyal ng barangay at mga stakeholders upang tuluyan ng maideklarang drug cleared ang kanilang bayan.

Dagdag pa ng hepe, bagaman, drug cleared na ay tuloy tuloy pa rin ang kanilang kampanya kontra droga.

Mas malaking hamon aniya ngayon ang pagbabantay na hindi na muling makalusot pa sa kanilang bayan ang ilegal na droga.

Inihayag din ng opisyal na apat (4) na drug reformists ang sumasailalim ngayon sa reformation program sa Balay Silangan sa kanilang bayan na kauna unahan ding naitayo sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Camarines Norte News

Photo taken from San Vicente MPS FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *