17 SACHET NG HINIHINLANG SHABU, NASAMSAM NG OTORIDAD SA ISANG GINANG SA BAYAN NG PARACALE; SUSPEK, ARESTADO!

Oktubre 15, 2019, Paracale, Camarines Norte โ€“ 17 sachet ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng otoridad sa isinagawang search operation sa Purok 7A, Brgy.  Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Base sa tala ng Paracale MPS, dakong 7:30 kagabi, Oktubre 14, 2019 nang isagawa ng composite team na binubuo ng personnel mula sa Paracale MPS, 1st CNPMFC, PIB at RID5/RSOG ang implementasyon ng search warrant sa tahanan ng suspek na si Mariel Yasis y Balmadrid, 42 anyos.

Ang search warrant para sa paglabag sa RA 9165 ay ibinaba ni Hon. Evan D. DizonExecutive Judge ng RTC Branch 40 nitong nakatalikod na Oktubre 10, 2019.

Sa paghahalughog ng otoridad, positibong nakuha mula sa suspek ang 17 sachet ng hinihinalang ilegal na droga.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa suspek na nasa kustodiya na ng nasambit na himpilan ng kapulisan para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.