540 MONOBLOCK CHAIRS PARA SA MGA PAARALAN NG DEPED DAET NORTH AND SOUTH DISTRICT, NAITURN OVER NA NG LGU DAET

Oktubre 16, 2019, Daet, Camarines Norte – Naiturn over na ang 540 pirasong monoblock chairs na kaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa Department of Education (DepEd) – Daet North and South District.

Isinagawa ang pagturn over nitong nakatalikod na araw ng Lunes, Oktubre 14, 2019 sa covered court ng Daet Municipal Hall sa pangunguna ni Municipal Administrator Joan Kristine T. De Luna sa ngalan ni Mayor Benito “B2K” Ochoa.

Pinangunahan din ang pag turn over ni Mun. Councilor at Chairwoman ng  SB Committee on Education Ma. Eliza H. Llovit na pangunahing nagsulong ng nasambit na proyekto.

Nagpasalamat naman ang mga guro sa mga paaralang nasasakop ng nasambit na distrito para sa mga upuan na kanilang magagamit sa mga aktibidad sa kanilang paaralan.

Nabatid na hindi bababa sa sampung paaralan ang makikinabang sa nasambit na mga upuan.

Camarines Norte News

Photos courtesy of Nardz Hernandez

Leave a Reply

Your email address will not be published.