Oktubre 17, 2019, Daet, Camarines Norte – Nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang (2) suspek ang isinagawang entrapment operation ng otoridad sa Purok Atis, Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte para sa paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Diodel Hegina Balte, 36 anyos, residente ng Purok 1 Barangay Taisan, Basud at Ely Pasobilio Villamarzo, 61 anyos , residente ng Purok 1, Brgy Langga, Basud.
Dakong 7:00 nitong nakatalikod na Oktubre 15 nang isagawa ang operasyon ng mga personel ng Daet PNP katuwang ang CNPIB, RID at 1st CNPMFC kung saan nakabili ang nagpanggap na buyer ng armas na may halagang Php 17,500.00 mula sa mga suspek.
Nang matunugang operatiba ang katransaksiyon ay nagtangka pa umanong tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo.
Nakorner naman ito ng otoridad sa bahagi ng Peñafrancia St corner Dasmariñas sa Purok 7, Barangay VIII ng parehong bayan.
Nabawi mula sa mga ito ang isang (1) short firearm na pinaniniwalaang caliber 45 pistol na may trademark na COLT na may serial no. 836872 na may loaded magazine at pitong (7) live ammunitions at siyam (9) pang extra live ammunitions para sa caliber 45 na baril.
Nasa kustodiya nan g Daet PNP ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.
Camarines Norte News