MINERO SA BAYAN NG PARACALE, ARESTADO MATAPOS MAKUNAN NG HINIHINALANG ILEGAL NA DROGA!

Oktubre 21, 2019, Paracale, Camarines Norte โ€“ Arestado ang isang minero matapos makunan ng hinihinalang ilegal na droga sa isinagawang search operation ng otoridad sa Purok Perlas, Barangay Poblacion Sur, bayan ng Paracale nitong nakatalikod na araw ng biyernes, Oktubre 18, 2019.

Base sa tala ng Paracale Municipal Police Station, dakong 5:15 ng hapon ng magtungo sa tahananan ng suspek na si Garry Sapiera y Castilo ang mga personel ng Paracale MPS, 2nd CNPMFC, PIB at RID5/RSOG at PDEA ROV bitbit ang search warrant para sa paglabag sa RA 9165 na nilagdaan ni Hon. Evan D. DizonExecutive Judge ng Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa suspek na positibong nakunan ng walong (8) sachet ng hinihinalang shabu na may estimated market value na Php 8,000.00.

Sinaksihan ang nasambit na operasyon ng opisyal ng barangay at miyembro ng media.

Nasa kustodiya na ng Paracale PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang sasailalim naman ang nasamsam na ebidensiya sa eksaminasyon ng Camarines Norte Crime Laboratory Office.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.