PAGTAAS NG HONORARIUM, CHRISTMAS BONUS AT GRATUITY PAY NG MGA BRGY OFFICIALS, TANOD AT LUPON NG TAGAPAMAYAPA, ISINUSULONG NI CONG TOOTS PANOTES SA KONGRESO!

Oktubre 21, 2019, Daet, Camarines Norte – Isinusulong ni Camarines Norte 2nd District Representative Marisol “Toots” Panotes sa kongreso ang isang House Bill na naglalayong mapataas ang honorarium, Christmas bonus at gratuity pay ng mga opisyal ng barangay, mga tanod at lupon ng tagapamayapa.

Kaugnay nito itinutulak ng Kongresista sa kamara ang  House Bill No. HB02699 na naglalayong amiyendahan ang Section 393 ng Republic Act 7160, o Local Government Code of 1991.

May titulo itong “An act increasing the honorarium and christmas bonus of barangay officials, including barangay tanods and members of the lupon ng tapamayapa and granting a lump sum gratuity pay equivalent to one hundred thousand pesos (p100,000.00), amending for the purpose Section 393 of Republic act no. 7160, as amended, otherwise known as the Local Government Code of 1991.”

Layon umano nito na mabigyan ng tamang compensation ang mga opisyal na nagsisilbing frontliners sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamarangay.

Magugunitang ang mga nasambit na pamahala ay tumatanggap lamang ng honorarium/allowances sa halip na regular monthly pay checks na karaniwang natatanggap ng mga regular na kawani ng gobyerno.

Bukod pa dito, nais din ng opisyal na mapasaya ang mga tagapamahala ng barangay tuwing panahon ng kapaskuhan sa pamamagitan ng dagdag na Christmas bonus.

Nakapaloob din dito ang hiling na Php 100,000.00 na gratuity pay para sa mga nakapagsilbi ng matagal na panahon sa pamahalaan.

Camarines Norte News

Photo courtesy of Cong Toots Panotes FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *