VP LENI ROBREDO, PERSONAL NA INIHATID ANG TULONG PINANSIYAL NG OVP PARA SA MGA FISHERFOLKS SA BAYAN NG MERCEDES!

Oktubre 21, 2019, Mercedes, Camarines Norte – Personal na nagtungo si Vice President Leni Robredo  sa Brgy. Cayucyucan sa bayan ng Mercedes upang ihatid sa mga maliliit na mangingisda dito ang tulong pinansiyal ng Office of the Vice President (OVP) para sa kanila.

Nitong nakatalikod na araw ng Sabado, Okutbre 19, 2019, nakadaupang palad ng bise presidente ang mga mangingisda sa nasambit na barangay at tinalakay din nito kung paano sila matutulungan ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Angat Buhay Program ng OVP.

Ayon sa VP, ang nasambit na tulong ay panimula pa lamang at posible pang masundan depende sa magiging output mula sa komunidad.

Nangako naman ang Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Brgy. Cayucyucan (SMMBC) sa pamamagitan ni Ginoong Ernesto Manoguid na papangangalagaan nila ang tulong na ipinagkaloob ng OVP.

Layunin ng pagbibigay ng OVP ng tulong pinansiyal na mapaunlad ang industriya ng pangisdaan at maiangat ang kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda.

Camarines Norte News

Photo courtesy of BNFM Daet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *