LALAKI ARESTADO SA PAGTATAGO NG HINDI LISENSYADONG ARMAS SA BAYAN NG PARACALE!

Oktubre 22, 2019, Paracale, Camarines Norte – Bumagsak sa kamay ng otoridad ang isang lalaki sa baya ng Paracale matapos makunan ng hindi lisensiyadong armas sa kaniyang tahanan sa Purok 5, Brgy. Bagumbayan, bayan ng Paracale.

Dakong 8:00 ngayong umaga ng ihain ng otoridad ang search warrant na ibinaba ni Hon. Evan D. DizonExecutive Judge ng Regional Trial Court Branch 40, Daet sa suspek na si Reynante Torzar y Reynada, nasa hustong edad para sa paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act“.

Positibong nakuha sa pag aari ng suspek ang isang cal. 38 revolver, mga bala nito at isang hand grenade.

Nabatid na bago ang operasyon ay kabi kabilang reklamo na ang ipinaabot sa otoridad ukol sa pananakot ng suspek gamit ang hindi lisensyadong armas.

Nasa kustodiya na ng Paracale PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Photos courtesy of Aris Alexopoulos

Leave a Reply

Your email address will not be published.