LIBRENG MGA GAMOT AT SUPPLEMENTS, HANDOG NI CONG JOSIE TALLADO SA MGA KABABAYAN SA UNANG DISTRITO NG CAMNORTE!

Oktubre 22, 2019, Daet, Camarines Norte – Serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng mga libreng gamot at supplements ang hatid ni Congresswoman Josie Baning Tallado sa unang distrito ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng personal na pakikipag uganayan ng kongresista kay Secretary Francisco Duque III ng Department of Health (DOH) ay nakalikom ito ng mga gamot at supplements para sa mga nasasakupang kababayan.

Ilan sa mga ito ay ang Metformin (500mg), Calcium Carbonate 1.2g Tablet, Ferrous Sulfate + Folic Acid 200mg/400mcg gilm coated tablet, Ready to Use Food Supplement (RUSF) for Moms, Ready to Use Food Supplement (RUSF) for Children, Ready to Use Therapeutic Food (Plumpy Nut)
at Micronutrient Powder.

Layunin ng nasambit na pagkilos ng kongresista na maibsan ang mga gastusin ng kababayan at patuloy na mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

Samantala, makikipag-ugnayan si Cong. Josie sa mga doktor sa lalawigan partikular sa Provincial Health Office at Municipal Health Offices para sa tamang pamamahagi ng mga gamot na ito sa mga nangangailangan na kababayan, partikular sa unang distrito, sa pamamagitan ng mga medical caravan at free medicine assistance programs.

Sa ngayon ay hinihintay rin ang iba pang kahilingang gamot mula sa DOH kasama na rito ang vaccine laban sa Polio at Dengue Fever Test Kits na magagamit sa mga ospital at barangay health stations.

Camarines Norte News

Details and photo courtesy of Roden Rosario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *