Oktubre 22, 2019, Daet, Camarines Norte – Nasa pangangasiwa na ng Lokal na Pamahalaan ng Daet ang isang rescue boat at mga rescue equipments na kaloob ng PLDT Community Relations.
Kahapon, Oktubre 21 ay pormal nang naiturn over ng PLDT ang nasambit na kagamitan sa LGU Daet sa pamumuno ni Mayor Benito “B2K” Ochoa at sa pamamagitan ni Mun. Councilor Pedro Musa.
Dumalo rin sa turn over ceremony Mun. Administrator Joan Kristine T. De Luna at si Mr. Santiago Mella Jr., pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office – ang opisinang mangangasiwa sa naturang mga kagamitan.
Ang naturang sasakyan at mga kagamitan ay gagamitin ng MDRRMO rescue team sa paghahatid ng mabilis at epektibong serbisyo sa panahon ng sakuna at kagipitan.
Ito rin ay naglalayong mabawasan ang mga epekto ng mga kalamidad sa mga mamamayan ng nabanggit na bayan.
Camarines Norte News
Photos courtesy of MDRRMO Daet