Oktubre 24, 2019, Daet, Camarines Norte – 347.5 milyon na halaga ng infrastructure projects ang nakalatag para sa bayan ng Capalonga sa pamumuno ni Mayor Luz Ricasio para sa taong 2020.
Kabilang dito ang Capalonga water supply (100M pesos), San Roque-San Antonio Road phase 1 & 2 (50M pesos), Concreting of Barangay road Villa Belen phase 1, 2, 3 & 4 (97.5M pesos), Concreting of Barangay Camagsaan bridge (25M pesos) at Concreting of Barangay Camagsaan road Phase 1, 2 & 3 (75M pesos).
Ang pondo para sa mga nasambit na mga proyekto ay nakalap sa pamamagitan ng pagsisikap at pakikipag ugnayan sa mga ahensiya ni Gov. Egay Tallado at kabiyak nitong si Camarines Norte First District Representative Josie Baning Tallado.
Layunin ng dalawang opisyal ng lalawigan na maisakatuparan ang mga proyektong ito sa darating na taong 2020 upang makatulong sa malaking problemang nararanasan pagdating sa tubig sa nasambit na lugar.
Layon din nitong maisaayos ang mga kalsada sa nasabing bayan para sa mas mabilis at maayos na daloy ng transportasyon at pangagalakal sa naturang bayan.
Camarines Norte News