
Oktubre 25, 2019, Daet, Camarines Norte – Mahigit 1000 displaced workers sa unang distrito ng Camarines Norte ang makikinabang sa proyektong handog ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan din ng pagsisikap ni Congresswoman Josie Baning Tallado.
Magandang regalo ngayong kapaskuhan ang hatid ng kongresista sa kanyang mga kababayan matapos ang postibong tugon ng DOLE sa kaniyang kahilingang mabigyan ng trabaho ang mga displaced/disadvantaged workers sa distritong kanyang nasasakupan sa pamamagitan ng Proyektong Tulong Pangkabuhayan Para Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.
Kabilang dito ang mga magsasaka, mangingisda at mga minero na nawalan ng hanapbuhay dahil sa ibat-ibang krisis at natural na kalamidad na dumaan sa probinsya.
Ang pondo ay magmumula sa DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program Fund sa pakikipagtulungan ng kanyang opisina sa Kongreso.
Sisiguraduhin umano ng tanggapan ni Cong. Josie Tallado na ang lahat ng mga munisipyo sa unang distrito na kinabibilangan ng Capalonga, Jose Panganiban, Labo, Paracale at Santa Elena ay makikinabang sa nasambit na proyekto.
Sa ngayon ay inihahanda na ng kanyang opisina ang listahan ng mga beneficiaries sa pakikipagugnayan sa mga barangay coordinators.
Camarines Norte News