RANK 3 MOST WANTED PERSON NG TALISAY PNP NA MAY KINAKAHARAP NA KASONG RAPE, ARESTADO!

Oktubre 24, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“ Bumagsak na sa kamay ng kapulisan ang Rank 3 Most Wanted Person ng Talisay MPS matapos ang ilang taong pagtatago.

Kinilala ang suspek na si Arjay Pada y Abante, 21 anyos, binata, factory worker at residente ng Purok 2, Barangay Del Carmen, Talisay, Camarines Norte.

Base sa tala ng Talisay PNP, dakong 2:00 ng madaling araw kanina ng madakip ang suspek ng mga personel ng Talisay MPS ang suspek sa Golden Meadow Subdivision, Barangay Mayamot, Antipolo, Rizal.

Si Pada ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court, Branch 40, Daet, Camarines Norte para sa kasong Rape in relation to R.A 7610.

Nasa kustodiya na ng Talisay PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.