MAGSASAKA NA MAY KINAKAHARAP NA KASONG FRUSTRATED MURDER, ARESTADO SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ!

Oktubre 25, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“ Bumagsak sa kamay ng kapulisan ang isang lalaking may kinakaharap na kasong Frustrated Murder sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Rey Macale y Dimaano, 30 anyos, magsasaka at residnete ng Purok 1, Brgy. Matacong sa nasabing bayan.

Base sa tala ng San Lorenzo Ruiz Municipal Police Station, dakong 8:30 kahapon ng umaga nang madakip ng mga otoridad ang suspek sa Purok 1, Brgy. Matacong ng parehong bayan sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Honorable Judge Arniel A. Dating ng RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte para sa kasong Frustrated Murder.

May inirerekomenda ang korteng Php 200,000.00 halaga ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nasa kustodiya na ng San Lorenzo Ruiz MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.