MUNICIPAL HEALTH OFFICE NG LGU DAET, NAGSAGAWA NG ALAY LAKAD KONTRA POLIO BILANG PAKIKIISA SA WORLD POLIO DAY!

Oktubre 25, 2019, Daet, Camarines Norte – Umarangkada kahapon ang “Alay Lakad Kontra Polio” ng Municipal Health Office ng Lokal na Pamahalaan ng Daet.

Ito ay bilang pakikiisa sa ipinagdiriwang na World Polio Day sa buong mundo tuwing ika-24 ng Oktubre.

Sa pangunguna ni Municipal Health Officer Lurene T. Tejada ay naglakad mua sa Daet Heritage Center patungong Bagasbas Beach ang daan daang health workers at volunteers mula sa 25 na barangay sa buong bayan ng Daet.

Ito ay bilang pagpapakita ng suporta sa world polio eradication program ng World Health Organization (WHO).

Makabuluhan ang nasambit na gawain na naglalayong gisingin ang kamalayan ng sambayanan upang magtulong tulong na mawakasang muli ang pagbabalik ng polio virus sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga kabataan at pagpapalaganap ng proper hygiene upang maiwasang mahawa nito.

Magugunitang nitong nakatalikod na linggo lamang ay nagtungo ang Department of Health (DOH) ROV para sa isinagawang Polio and National Immunization Program Advocacy and Command Conference kung saan hinikayat ang mga health personels sa buong lalawigan maging ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na gawing mandatory ang pagpapabakuna ng mga magulang sa kanilang mga anak sa mga Rural Health Centers lalo na ng polio vaccine upang maligtas ang mga ito sa nasambit na sakit.

Nagtapos ang Alay Lakad Kontra Polio sa Bagasbas Beach kung saan masiglang nakilahok ang mga partisipante sa maikling programa na kinabilangan ng zumba session.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *