PROBLEMA SA PAGBABARA SA MGA DRAINAGE SA KASENTRUHAN NG DAET, TINUTUGUNAN UMANO NG DPWH!

Oktubre 25, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“ Aminado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Camarines Norte District Engineering Office na nagkakaroon na ng problema sa mga outlet o mga drainage sa kasentruhan ng Daet na isa sa mga nagiging sanhi ng pagbabaha sa lugar tuwing panahon ng tag ulan.

Sa panayam mg mga mamamahayag kay District Engineer Ricardo Gutierrez, sinabi nito na natakpan na ng mga nagsulputang commercial at residential buildings ang mga matagal nang existing outlet noon ng mga creeks, canal at cross drainage.

Gayunpaman, tuloy tuloy naman umano ang ginagawang declogging activities ng kanilang tanggapan bilang paghahanda na rin sa darating na tag ulan.

Kanila umano itong tinututukan at sa ngayon ay hinihintay nalang ang pondo para sa pagsasaayos ng mga ito para hindi na maging problema ang pagbabara sa mga daluyan ng tubig lalo na sa kasentruhan.

Matatandaan na nakaranas ng matinding baha ang kasenturhan ng Daet noong isang taon nang manalasa ang bagyong Usman.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.