TATLO KATAO ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA DRUG BUYBUST OPERATION SA BAYAN DAET!

Oktubre 25, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“ Arestado ng otoridad ang tatlong drug suspect sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa bayan ng Daet.

Base sa tala ng Daet Municipal Police Station, dakong 1:00 kahapon ng hapon ng madakip sa Purok 3, Barangay Camambugan ng naturang bayan sina Allan Mark Baluyot y Hernandez, 32 anyos, residente ng nasambit na lugar at John Art Vargas y Rafael, 33 anyos, residente ng Purok 1, Brgy 1, Daet.

Nakuha mula sa mga suspek ang may kabuuang limang (5) sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, dakong  1:30 din ng hapon kahapon ng madakip naman sa Purok 5, Barangay III si Roberto Antonio Sario, 38 anyos, residente ng Purok 2, Barangay Guinatungan, Basud, Camarines Norte

Nakuha naman mula kay Sario ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu.

Nasa kustodiya na ng Daet PNP ang mga nadakip na suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.