2 INSIDENTE NG SUICIDE, NAITALA SA BAYAN NG LABO AT SAN VICENTE!

Oktubre 28, 2019, Daet, Camarines Norte โ€“ Dalawang (2) magkahiwalay na insidente ng suicide o pagpapatiwakal ang naitala sa bayan ng Labo at San Vicente, Camarines Norte kahapon, Oktubre 27, 2019.

Sa bayan ng Labo, isang 22 anyos na binata ang natagpuang nakabikti sa bubong malapit sa likurang bahagi ng kanilang bahay gamit ang isang nylon rope.

Nabatid na taong 2008 ay nadiagnose ang binata na may kidney disease subalit tumigil ito sa pagpapagamot sa ospital gayundin sa pagpasok sa paaralan. Nanatili na lamang umano ito sa tahanan na posibleng nagdulot ng depresyon at naging dahilan sa pagkitil nito sa sariling buhay.

Samantala, sa bayan naman ng San Vicente, isang 25 anyos na lalaki, may kinakasama, ang natagpuang nakabikti sa isang puno ng guyabano.

Isa umanong kapitbahay ang nakakita dito na agad humingi ng tulong sa kinauukulan. Agad namang rumisponde ang MDRRMO sa naturang bayan subalit idineklara itong dead on arrival pagdating sa Panlalawigang Pagamutan.

Problema sa pamilya naman ang itinuturong sanhi ng pagpapatiwakal nito.

Camarines Norte News

*Note: Sinadyang itago ang pagkakakilanlan at iba pang impormasyon ng mga taong sangkot sa insidente bilang pag galang sa mga naulila ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.