LALAKI PWERSAHANG PINASOK ANG ISANG MEATSHOP SA BAYAN NG VINZONS; SUSPEK, TINANGAY ANG PERA SA KAHA!

Oktubre 29, 2019, Vinzons, Camarines Norte  – Tinutugis ngayon ng kapulisan ang isang lalaki sa bayan ng Vinzons na pumasok sa isang meatshop at pwersahang kumuha ng pera mula sa kaha nito.

Kinilala ang suspek na si Angelo Obregon y Ibita, nasa hustong edad, residente ng Purok 5, Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte.

Base sa tala ng Vinzons Municipal Police Station, dakong 4:00 kahapon, Oktubre 28, 2019 nang pasukin ng suspek ang Drake Meatshop sa Purok 2, Barangay II, Poblacion ng nasambit na bayan at tahasang tinakot ang kahera na si Agnes y Ibita, 45 anyos, na hahampasin ito ng hawak na bote sa ulo kapag hindi umalis sa kaha.

Sa takot ay umiwas ang biktima habang pwersahang kinuha ng suspek ang tatlong libong pisong (Php 3,000) halaga ng benta ng meatshop.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pagnanakaw.

Patuloy naman ang isinasagawang follow up investigation ng Vinzons PNP para sa pagkadarakip ng suspek.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.