TRAFFIC REROUTING SA ILANG KALSADA SA BAYAN NG DAET, SISIMULAN NA BUKAS NG UMAGA; SEGURIDAD SA MGA TERMINAL, BINABANTAYAN DIN NG DAET PNP!

Oktubre 31, 2019, Daet, Camarines Norte – Nakahanda na ang kapulisan partikular na ang Daet PNP para sa pagsiguro sa seguridad at kaayusan sa mga pampubliko at pribadong sementeryong sakop ng bayan ng Daet.

Kasama rin sa tututukan ng kapulisan ang daloy ng trapiko sa mga nasambit na lugar.

Sa panayam ng Cool Radio News Fm kay PLtCol Dyan Agustin, Acting Chief of Police ng Daet MPS, eksaktong 5:00 ng madaling araw bukas, Nobyembre 1 ay sisimulan na ang traffic rerouting sa mga kalsadang malapit sa mga sementeryo.

Ayon sa hepe, bagaman inaasahan nan g publiko ang posibleng pagbubuhol ng trapiko sa ilang lugar lalo na sa bahagi ng F.Pimentel Ave. kung saan may mga ginagawang drainage sa gilid ng kalsada ay kanilang sisiguruhin na may sapat na personel sa kalsada upang magmando ng trapiko.

Samantala, ngayong araw naman aniya ay angtungo ang kanilang grupo sa mga Bus Terminal sa bayan ng Daet kung saan nagsisimula ng dumagsa ang mga dumarating na pasahero.

Dito ay nagbibigay umano sila ng assistance sa mga pasahero kasabay ng pagbabantay sa seguridad.

Kasama din nila ang mga personel mula sa Land Transportation Office (LTO) upang tiyakin kung may kaukulang papeles ang mga bus at mga driver na bumibiyahe.

Ayon din sa hepe, nagpaabiso umano ang mga kumpanya ng Bus sa lalawigan na nakahanda ang mga ito na magdagdag ng mga bus kung sakaling kukulangin ang mga ito dahil sa dami ng mga biyahero ngayong Undas.

Camarines Norte News

Photo taken from Daet MPS FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *