
Nobyembre 4, 2019, Vinzons, Camarines Norte – Apat (4) na sasakyan ang nasangkot sa isang insidente sa kalsadang askop ng Barangay II, Poblacion, Vinzons, Camarines Norte nitong nakatalikod na undas, Nobyembre 1, 2019.
Sangkot sa nasambit na aksidente ang isang Ford EcoSport Wagon na minamaneho ni Francisco Aura Fermo, 45 anyos, residente ng Roseville 3,
Brgy. Gubat, Daet, isang pampasadang tricycle na may body number 315 na minamaneho at rehistrado kay Anthony Jerez y
Raro, 41 anyos, residente ng Purok 4, Barangay Sur, Vinzons, isa pang pampasadang tricycle na may body no.021 na minamaneho ni Alardi Rasco, residente ng Barangay Calangcawan Norte, Vinzons at isang haulerna minamaneho ni Jhon Angelez Odi, 21 anyos, residente ng Purok-4 Brgy Calangcawan Sur, Vinzons.
Base sa tala ng Vinzons PNP, dakong 3:30 ng hapon ng maganap ang aksidente kung saan tinatahak ng Ford Eco Sport ang kalsada patungo sa bayan ng Daet ng pagsapit sa lugar ng insidente ay aksidente nitong nabangga ang rear ng nasa unahang tricycle na minamaneho ni Jerez.
Pagkatapos nito ay nabangga naman ng huli ang isa pang tricycle na minamaneho ni Rasco na natumba sa gilid ng kalsada.
Samantala, sinubukan naman umanong tumigil ng kotse subalit aksidenteng natapakan ng driver ang gas imbes na preno dahilan para bumangga ulit ito sa isa pang hauler na nasa unahan.
Wala naman naitalang malubhang nasaktan sa aksidente at agad na dinala ang mga biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital.
Dinala na rin sa himpilan ng Vinzons PNP ang mga sasakyang nasangkot sa insidente.
Camarines Norte News

