
Nobyembre 4, 2019, Labo, Camarines Norte – Bumangga sa isang poste ng CANORECO sa bahagi ng Purok 3, Brgy. Talobatib sa bayan ng Labo ang isang Suzuki Celerio na may plakang EAB 1741 dakong 11:00 kagabi Nobyembre 3, 2019.
Ayon sa CANORECO, ito naging ang sanhi ng malawakang brownout na naranasan sa buong bayan ng Labo at ilang bahagi ng lalawigan na tumagal hanggang ngayong araw, Nobyembre 4, 2019.
Nabatid na pangalawang pagkakataon na ito na may bumanggang sasakyan sa nasambit na lugar malapit sa CANORECO Talobatib sub station.
Samantala, inaalam pa ang buong detalye ng aksidenteng naganap at patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon dito ng kapulisan.
Camarines Norte News
Photo courtesy of Coun. Rey Kenneth Oning

