PANUKALA PARA SA PAGKAKAROON NG MATAAS NA PAARALAN SA BAYAN NG CAPALONGA, ISINUSULONG NI CONG JOSIE TALLADO SA KONGRESO!

Nobyembre 5, 2019, Daet, Camarines Norte – Isinusulong ni Camarines Norte 1st District Congresswoman Josie Baning Tallado na maisakatuparan ang pangarap ng mga magulang at mag aaral sa bayan ng Capalonga na magkaroon ng National High School sa kanilang bayan.

Kaugnay nito, kasabay ng pagbubukas ng session sa Kongreso kahapon, Nobyembre 4, 2019 ay ipinasa ng nasambit na Kongresista  ang  House Bill No. 5292.

Nilalaman ng nasabing panukalang batas ang kahilingang magtayo ng mataas na paaralan sa naturang bayan partikular na sa Barangay Catioan kung saan may nakalaan ng tatlong hektaryang lupa para sa istruktura sa pamamagitan naman ng pagsisikap ng punong bayan na si Mayor Luz E. Ricasio.

Ayon kay Mayor Luz Ricasio, malaki ang maitutulong nito sa kanyang mga kababayan sa Capalonga lalo na sa parte ng mga estudyante dahil ang mga naninirahan sa mga lugar na malayo sa sentro o poblacion ng munisipyo ay magkakaroon na ng mas malapit na paaralan at higit pa rito ito ay magsisilbing pampublikong paaralan na matagal nang inaasam ng kanyang nasasakupan.

Hindi na rin kakailanganin pang bumiyahe ng malayo o sumakay pa ng bus para lamang makapasok ang ating mga kabataan sa isang mataas na paaralan na

Malaking katipiran rin ang maibibigay nito sa mga magulang pagdating sa budget ng mga mag-aaral.

Nangako naman ang kongresista na hindi titigil hanggat hindi ito naisasakatuparan at masasagawa din ng mga pag aaral upang alamin ang iba pang lugar sa unang distrito na nangangailangan din ng mataas na paaralan.

Camarines Norte News

Details and photos courtesy of Roden Rosario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *