LALAKI ARESTADO SA ISINAGAWANG BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE!

Nobyembre 6, 2019, Paracale, Camarines Norte – Arestado ng mga otoridad ang isang drug suspect sa isinasagawang drug buy bust operation sa bayan ng Paracale.

Base sa tala ng Paracale Municipal Police Station, dakong 1:00 ng hapon kahapon, Nobyembre 4, 2019 ng madakip sa Purok Kamagong, Brgy. Poblacion Norte ng nasambit na bayan ang suspek na si Eduardo Cereno San Agustin matapos magpositibo ang operasyon ng otoridad sa pangunguna ni PMaj. Andy O. Rosero.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money na Php 500.00.

Nasa kustodiya na ng Paracale PNP ang nadakip na suspek para sa kaukulang disposisyon.

Phillip John Denzel A. Rait

Camarines Norte News

Photos courtesy of Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *