MALAKING TINDAHAN SA BAYAN NG BASUD NILOOBAN; PAGNANAKAW HULI SA CCTV!

Nobyembre 10, 2019, Basud, Camarines Norte – Nilooban ng hindi nakilalang suspek ang isang General Merchandise sa Purok Lauan, Brgy. Poblacion II, bayan ng Basud.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Basud PNP, pasado 7:00 ng umaga nitong nakatalikod na Nobyembre 9, 2019 nang madiskubre ng may ari ng tindahan na si Sherwin Presado Montuya ang pagnanakaw.

Napag alamang napasok ng hindi pa nakikilalang kawatan ang nasambit na establisyemento sa pamamagitan ng pagdaan sa pader nito at pagsira plywood ng kisame.

Batay naman sa kuha ng cctv sa loob ng tindahan, kitang kita ang suspek habang kinukuha nito ang pera sa cash drawer na nagkakahalagang Php 65,000.00.

Matapos ang pagnanakaw ay agad ding tumakas palabas ang suspek na dumaan muli sa sinira nitong kisame.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang nasambit na himpilan ng pulis ng follow up investigation para sa pagkakarekober ng ninakaw na pera gayundin sa pagtukoy sa pagkakakilanlan at pagkadarakip sa tumakas na suspek.

Phillip John Denzel A. Rait

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *