
Nobyembre 11, 2019, Daet, Camarines Norte – Mas paiigtingin ngayon ng bagong hepe ng Daet PNP na si Acting COP PLtCol Ferdinand Noel Villanueva ang kampanya kontra pasaway na mga pulis.
Ang nasambit na pagkilos ay bilang pagtalima sa patuloy na internal cleansing ng Philippine National Police (PNP) upang papanagutin at walisin ang mga pasaway sa kanilang hanay.
Sa pagharap ni PEMS Leoncio E. Garfin Jr. sa Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Daet kaninang umaga, ibinalita nito na kumikilos ang kanilang opisina upang papanagutin ang mga personel na lumalabag din sa batas tulad na lamang ng mga batas trapiko na karaniwang inirereklamo ng mga motorista.
Sa katunayan aniya, bilang bahagi ng inernal cleansing sa Daet PNP ay apat (4) na personel mula sa kanilag himpilan ang naisyuhan ng TOP dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang nagmamaneho.
Patunayan din aniya ito ng istriktong implementasyon ng REPUBLIC ACT NO. 4136. o “AN ACT TO COMPILE THE LAWS RELATIVE TO LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC RULES, TO CREATE A LAND TRANSPORTATION COMMISSION AND FOR OTHER PURPOSES” kung saan walang sinasanto maging alagad man ng batas.
Tututukan din aniya ng hepe ang Rank Inspection sa kanilang mga tauhan dahil naniniwala umano ito na paano susundin ng mga taong bayan ang kapulisan kung mayroon sa mga ito ang hindi disiplinado.
Camarines Norte News

