
Nobyembre 13, 2019, Daet, Camarines Norte – Sapat, maayos at walang patid na serbisyo ng kuryente at tubig sa panahon ng Palarong 2020 ang panawagan ni Gov. Egay Tallado sa CANORECOat CNWD/Prime Water.
Sa ginanap na inter agency meeting kahapon, hiningi ng Gobernador ang commitment ng dalawang tanggapan para siguruhin na hindi mararanasan ng mga darating na delegasyon ang problema sa kuryente at tubig lalo na at ang pangalan ng lalawigan ang nakataya dito.
Magugunitang kabi-kabilang reklamo ang ibinabato ng mga konsumidores ng parehong tanggapan dahilsa hindi magandang serbisyong nararanasan sa lalawigan partikular na sa pabigla bigla o matagalang pagkawala ng kuryente gayundin ang mahina hanggang sa halos walang supply ng tubig.
Nangako naman ang mga representative ng dalawang tanggapan na makakarating sa kanilang opisina partikular na sa mga nakatataas ang hiling ng gobernador at sinabi din ng mga ito na bagaman hindi pa hinihiling ay patuloy naman ang kanilang pagkilos para sa mas maayos na serbisyo.
Hiniling din ng mga ito ang kaukulang dokumento mula sa DepEd kung saang mga lugar ang gagamitin bilang Billeting schools upang mapaghandaan ang mga kaukulang aksiyon na gagawin para sa tuloy tuloy at maayos na serbisyo ng kuryente at patubig.
Camarines Norte News

