ORDINANSANG NAGBABAWAL SA MGA TAONG NAKAHUBAD AT HALF NAKED SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR SA BAYAN NG DAET, ISINUSULONG SA SB!

Nobyembre 19, 2019, Daet, Camarines Norte – Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Daet ang pagbabawal sa mga nakahubad o half naked na indibidwal sa mga pampublikong lugar sa bayan.

Sa regular na sesyon ng SB Daet kahapon ay sumalang sa unang pagbasa ang nasambit na ordinansa na isinusulong ni Coun. Apolonio “Poloy” Panong.

Nakasaad sa proposed ordinance na matituturing na paglabag sa batas ang pagdidisplay at paglilibot sa mga pampublikong lugar sa bayan ng hubot hubad o half naked tulad ng pagtatanggal ng t-shirt ng mga kalalakihan.

Inaatasan naman dito ang Philippine National Police (PNP), mga opisyal ng Barangay at Barangay Public Safety Officers (BPSO)na istriktong mag implement ng ordinansa kung saan may nakatalagang penalidad para sa mga lalabag.

Sa unang paglabag ay penalidad na Php. 500.00 o community service sa kanilang barangay sa loob ng tatlong araw.

Sa ikalawang paglabag ay penalidad na Php1,000.00 o community service sa kanilang barangay sa loob ng limang araw.

Sa ikatlong paglabag ay penalidad na Php1,500.00 o community service sa kanilang barangay sa loob ng anim na araw.

Para naman sa mga pasaway na aabit sa ikaapat at maramai pang paglabag ay penalidad na Php 2,500.00 at isang taong pagkakakulong.

Layunin ng nasambit na ordinansa na itaas ang moral at pagtingin sa mga Daeteño gayundin ang mapanatili ang kaayusan sa lugar dahil nagdudulot ng pagkaalarma o pangamba sa paningin ng iba ang mga nakahubad na indibidwal.

Samantala, exempted naman sa mga parusa ang mga may pagala gala na may problema sa pag iisip.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *