
Nobyembre 18, 2019, Daet, Camarines Norte– Pasado na sa ikalawa at huling pagbasa ang Resolusyon na nag aamyenda sa Article XVIIng Municipal Ordinance No. 244-2012 o Children’s Rights and Welfare Code of Daet na isinulong ni Coun. Ma. Eliza H. Llovit.
Sa ginanap na ika-43rd Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Daetkanina ay tuluyan ng naaprubahan ang resoluyon na nagtatakda ng buo at mas pinaigitng na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa full implementation ng National Immunization Program ng Department of Health (DOH).
Dito ay nakapaloob ang mga guidelines na dapat sundin ng mga magulang, health practicioners at ng LGU ukol sa pagbibigay ng karamapatang bakuna sa mga school age children na may edad 8 pababa.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng DOH sa isinagawang Advocacyat Command Conference ukol sa Polio at National Immunization Program (NIP)sa lalawigan ng Camarines Norte nitong nakatalikod na Oktubre na dinaluhan ng Konsehal Llovit, SB Committee Chair on Health kasama ang mga kawani ng Municipal Health Office ng Daet.
Nabatid na ang nasambit na pagkilos ay bunsod ng naitalang mababang porsiyento ng Fully Immunized Children (FIC)sa Region V kung saan nakakuha lamang ang rehiyon ng 57.8% malayo sa target na 95% kaya naman ibinababa na rin sa mga LGU ang pagpapasa ng batas na gawing mandatory ang pagpapabakuna sa mga kabataan.
Camarines Norte News

